3 kidnaper todas sa shootout

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong miyembro ng kidnap for ransom (KFR) gang matapos na makasagupa ang mga ope­ratiba ng PNP-Anti Kidnapping Group kahapon sa Barangay San Francisco, Biñan, Laguna.

Batay sa ulat ni Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP-AKG, dakong ala-1:40 ng hapon nang ikasa ang rescue operation sa isang kidnap victim na si Anial Sohal, Indian national sa paligid ng Southwoods toll gate ng nasabing barangay.

Nabatid na dala ng isang kamag-anak ng biktima ang ransom money na P935,000 mula sa P20 milyon na hinihingi ng mga suspek.

Bago magsimula ang abutan ay nakilala ng mga otoridad ang kotseng Toyota Corolla (UMA-548) na sinasakyan ng mga suspek na sa halip sumuko ay nanlaban ang mga ito na agad nilang ikinasawi at ligtas na nabawi ang Indian national.

Lumabas sa ulat na si Suhal ay dinukot noong linggo sa nasabing lugar at kahapon ang itinakdang pay off na nabulilyas.

Show comments