5 Taiwanese na shabu lab ­operators hinatulan ng habambuhay

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC) sa limang Taiwanese na napatunayang guilty sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of  2002.

Ang mga akusado ay kinilalang sina Yu Teng Cheng; Horng Jeng Tsai; Kun Lin Yu; Yung Chun Huang at Yun Pong Hsu.

Sa inilabas na desis­yon ni Judge Danilo ­Suarez, ng Parañaque City RTC, Branch 259 na bukod sa habambuhay na pagkabilanggo ay pinagmumulta din sila ng P4 milyon bawat isa bilang moral damages.

Ipinag-utos ng korte sa Intensive Care Area (SICA-1) ng Bureau of Jail Management  and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na ilipat na ang mga  dayuhang drug convicts sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Batay sa rekord na tinatayang nasa P150 mil­yon halaga ng equipment at processed shabu (me­thamphethamine hydrochloride) ang nasamsam sa mga akusado nang salakayin ng Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Parañaque City Police ang kanilang kitchen-type shabu laboratory sa Brgy. San Antonio Valley 12, Parañaque City noong Agosto, 2012.

Show comments