Pulis napatay ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang napatay nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa Brgy. Concepcion, Pangantucan, Bukidnon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si PO1 Herbert Pingol.

Sa ulat, bago nangyari ang bakbakan bandang alas-3:30 ng hapon sa nasabing lugar ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bukidnon Police  at ng Special Forces ng Philippine Army sa masukal na bahagi ng nasabing lugar nang makasagupa ang mga rebelde at tinamaan si PO1 Pingol.

Show comments