P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Quezon City
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - June 23, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang isang dati umanong kawani ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at driver nito sa isang buy bust operation at nasamsam ang nasa P1 milyong halaga ng shabu kamakalawa sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Gladwin Balaguer, alyas Weng, 39, ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, dating naka­talaga sa transport division ng DOTC at driver nito na si Joel Taruc, 38, ng Brgy. Nagkaisang Nayon.

Batay sa ulat, bago naaresto ang dalawa dakong alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Congressional Road kanto ng Mindanao Avenue ay nakipag-transaksyon ang mga pulis sa pagbili ng shabu sa mga suspek at isang pulis ang nagpanggap na buyer.

Nang magpapalitan na ng items ay nakatunog ang mga suspek at tinangkang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang kulay itim na Toyota Fortuner (WIN-18) pero agad din silang nasukol sa Mindanao Avenue.

Narekober sa sasak­yan ni Balaguer ang apat na pakete ng shabu na tinatayang nasa 200 gramo at may street va­lue na tinatayang nasa P1 milyon, digital weighing scale, anim na bala ng cal.45 na baril, mobile phone, isang piraso ng LTO license plate TVQ -227 at ang buy-bust money na P1,000.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with