Serbisyo militar ni Gen. Año, pinalawig ng Pangulo

MANILA, Philippines -  Pinalawig kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 6 na buwan ang tour of duty ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año. Nakatakda sanang maupo si Gen. Año sa June 2 bilang secretary of Department of Interior and Local Government (DILG) pero dahil sa pangyayari sa Marawi City ay nagdesisyon ang Pangulo na palawigin pa ng 6 na buwan ang kanyang tour of duty bilang AFP chief. Nagdesisyon si Duterte na magkaroon ng extension na 6 months si Año bilang AFP chief upang mapangasiwaan nito ang military operations laban sa Maute group sa Marawi City. Samantala, inihayag din ni Duterte na nakahanda siyang magtungo sa Marawi City upang makipag-usap sa Maute group sa kondisyon na dapat ibaba nila ang kanilang mga armas at itigil ang terorismo.   

Show comments