6 tiklo sa pot session

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga pulis ang anim na katao sa aktong nagsasagawa ng pot-session kamakalawa sa Barangay Ilog, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Espanio; Felipe dela Rosa; Nilo Logronio; Edralin Victorino; Riczal Redeloza at Alfonzo Painaga, pawang nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat bago naaresto ang mga suspek dakong ala-3:30 ng hapon ay nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng Pasig City Police nang may nagsumbong sa kanila na mga residente na may nagaganap na pot session.

Kaagad naman itong pinuntahan ng mga pulis at naaktuhan ang?ga suspek sa aktong nagpa-pot session.

Show comments