Anti-death penalty solons sisibakin - Alvarez
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nakatakdang sibakin ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa posisyon na kanilang hinahawakan ang mga kongresista na tumutol sa death penalty bill.

Ito ang tiniyak at pinandigan ni Speaker  Alvarez na kung kakayanin ay papalitan sa lalong madaling panahon ang mga chairmen at deputy speaker na anti-death penalty.

Sa kabila ng mataas na turn out ng mga boto kamakalawa ng gabi sa 3rd and final reading sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan ay tuloy ang naunang banta na aalisin sa kasalukuyang pwesto ang mga mambabatas na kontra sa naturang bill.

Kabilang sa mga na­nganganib na palitan ay si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, na nag-iisang deputy spea­ker na bumotong ‘NO’. Giit ni Alvarez, maninindigan siya na tatanggalin si CGMA kahit kausapin pa siya nito.

Nanganganib din na mawalan ng committee chairmanship ang mga miyembro ng Makabayan bloc na sina Act Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Gabriela Rep. Emmi de Jesus; Batangas Rep. Vilma Santos Recto, (civil service and professional regulation committee) Sorsogon Rep. Evelyn Escudero (Basic Education Committee); Batanes Rep. Henedina Abad (Govt.  Reorganization Committee); Quezon Rep. Kit Belmonte (Land Use Committee); Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao (Peoples participation); Buhay Rep. Michael Velarde Jr. (Overseas Workers Comm); Amin Rep. Sitti Djalia Hataman (Muslim Affairs) at Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato-Ramirez bilang miyembro ng Commission on Appointments.
Nilinaw naman ni Speaker na ang mga committee chairman na maalis sa pwesto ay hindi masisipa bilang miyembro ng super majority.

Sa pinal na bilang uma­bot sa 217 ang bomoto ng Yes, 54 ang No at 1 ang nag-abstain.

PANTALEON ALVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with