NPA rebels nagdeklara ng tigil-putukan sa Surigao

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na manawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa CPP-NPA-NDF na huwag atakehin ang tropa ng mga sundalo na nagsasagawa ng search, rescue at relief mission sa mga lugar na nasalanta ng lindol ay nagdeklara na ng pansamantalang unilateral ceasefire ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa North Eastern Mindanao Region sa mga lugar na grabeng napinsala ng lindol sa Surigao City.

“This temporary ceasefire in areas covered by NPA Front 16, which started last February 11, 2017 and will end at 11:55 in the evening of February 20, 2017,” pahayag ng National Democratic Front sa isang press statement.

Umaasa ang NDF na tatalima rin ang pulisya at militar sa pansamantalang unilateral ceasefire sa Surigao del Norte at Agusan del Norte.

Ang pansamantalang unilateral ceasefire ay oobserbahan naman sa mga bayan ng Cabadbaran, Tubay, Jabonga at Santiago sa Agusan del Norte habang sa Surigao del Norte ay sa Surigao City.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col Edgard Arevalo  na isang magandang hakbang sa NPA rebels ang nasabing deklarasyon ng pansa­mantalang tigil putukan.

Show comments