^

Police Metro

Coed inumpog sa pader ng nobyo... nabitin sa sex pumatay

FUNFARE - Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay ang isang 19-anyos na kolehiyala nang iumpog ang ulo nito sa pader ng banyo ng kanilang eskwelahan ng nobyo matapos mabitin sa sex kahapon sa Koronadal City, South Cotabato.

Ang biktima ay kinilalang si Angela Jamora, ng Barangay Improgo, Banga, South Cotabato, 2nd year college sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Marvelous College.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Peter John Lacro, 21, residente ng San Felipe, Tantangan, South Cotabato, kumukuha ng kursong Bachelor of Technical Teacher’s Education Major in Electrical Technology.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng umaga ay sinundan umano ng suspek ang pagpasok ng biktima sa banyo.

Doon ay tinakot ng suspek ang biktima na kung hindi makiki­pagtalik sa kanya ay ikakalat nito ang kanilang sex video sa social media na  kinunan noong sila ay nag-iinuman.

Nang gagahasain umano ng suspek ang biktima ay may big­lang pumasok sa kabilang silid ng banyo kaya’t nabitin ang suspek at sa galit ay inum­pog nito ang ulo ng biktima sa pader hanggang sa ito ay mamatay.

Lumalabas din na nagsese­los ang suspek nang mabalitaan nito na bukod sa  kanya ay may ibang karelasyon ang biktima.

Ayon naman kay Janjan na pinsan ng biktima na ang suspek  ay hindi ang nobyo nito dahil may ibang lalaki na ipinakilala sa kanya ang huli na tunay nitong nobyo.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ipinapakalat lang ng suspek na nobya nito ang biktima na ang katotohanan ay wala silang relasyon.

vuukle comment

SEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with