Tindahan ng ukay-ukay sinalpok ng trak: 9 sugatan

MANILA, Philippines – Nasugatan ang siyam katao matapos na salpukin ng isang truck ang tindahan ng ukay-ukay kahapon sa Barangay Sangali, Zamboanga City.

Batay sa ulat, bago  nangyari ang aksidente dakong ala-1:00 ng hapon ay nawalan umano ng preno ang minamanehong truck ni Vilmor Aramal, 27 hanggang napunta sa gilid ng kalsada at bumangga sa tindahan ng ukay-ukay na kung saan ay nasa loob ang mga biktima na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Nasa kustodiya naman ngayon ang driver ng truck na nakahandang sampahan ng kaso.

Show comments