Caretaker ng sementeryo todas sa drug ops

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng Manila North Cemetery napatay ang isang drug pusher sa isinagawang “Oplan Zombie” sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na suspek dahil sa tatlong tama ng bala ay kinilalang si Daniel Adriano, 19, caretaker sa nasabing sementeryo.

Dakong alas-4:45 ng madaling araw nang nagsagawa ng Oplan Zombie ang pulisya upang linisin ang masasamang elemento sa libingan na dadagsain ngayong Undas at naaktuhang nagtutulak ng droga ang suspek sa bahagi ng Area 29.

Nang aarestuhin umano ang suspek ay nanlaban ito kaya’t napatay.

Show comments