Drug pusher dinedo ng kabaro

MANILA, Philippines – Isang lalaki na umano ay nasa wanted list ng pulisya dahil sa drug pushing ang binaril at napatay ng kasama sa loob ng bahay nito kamakalawa sa Brgy.New Cabalan, Olongapo City.

Nasawi noon din dahil sa tama ng shotgun sa katawan ang biktima na kinilalang si Redentor Romualdo. Habang ang suspek na si Bobby Cuajao ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat,bandang alas-2:00 ng hapon nang kumatok ang  suspek sa bahay ng biktima at nang ito ay buksan ng huli ay agad na itong binaril.

Nabatid na ang suspek at ang biktima ay kapwa nasa drug watch list ng Olongapo City Police kaugnay ng kasong pagtutulak ng droga.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pagpatay ay hidwaan sa perang kinita sa pagbebenta ng droga.

Show comments