Presyo ng petrolyo muling bumaba

MANILA, Philippines – Umpisa ngayong araw na ito ay muling nagbaba ng presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies na pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron.

Ayon kina Ina Soriano, ng Pilipinas Shell at Raffy Ledesma, ng Petron, bumaba ng P1.10 kada litro  ang kerosene; P0.90 kada litro sa diesel at P0.60 naman kada litro sa gasoline.

Sumunod din na nagpatupad ng bawas presyo ang iba pang oil firms ng kaparehong halaga.

Huling nagpatupad ng bawas presyo sa  mga produktong petrolyo noong Enero 19.

 

Show comments