Pastor, 1 pa niratrat

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang Pastor at kasama nito matapos na sila ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects kamakalawa sa Brgy. Guinles, Polanco, Zamboanga del Norte.

Ang mga nasugatang biktima na dinala sa Zanorte Medical Center ay kinilalang sina Rosalindo Torrino, 42, Pastor sa Light World Missionary Center Inc.  at Tito Amayac.

Sa ulat, dakong alas-10:35 ng umaga ay kararating lamang ng mga biktima lulan ng kulay puting multicab at kasalukuyang papasok sa gate ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na walang plaka  lulan ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa alitan sa lupa ang insidente dahilan ang lupang kinatitirikan ng simbahan ay hindi nila pag-aari.

Show comments