Abu bomber expert dedo sa aresto

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang bomber ng mga bandidong Abu Sayyaf  Group (ASG) ang nasawi  matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya na aaresto sa kanya kamakalawa ng gabi sa Lamitan City, Basilan.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jabier Pinglias, wanted na bomb expert sa aktibong kasapi ng “Urban Terro­rist Group (UTG).

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-7:20 ng gabi sa Sitio Tinambacan, Brgy. Maganda ay isinisilbi ng mga elemento ng Lamitan City Police, Basilan Provincial Public Safety Company at Regional Public Safety Battalion (RPSB) ang warrant of arrest laban sa suspek.

Papasok pa lamang sa nasabing lugar ang arresting team nang pagbabarilin sila ni Pinglias na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at nasapol ang suspek at namatay.

Show comments