Karnaper pumalag sa aresto, dedo

Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - January 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi nagpahuli ng buhay ang isang wanted person sa kasong carnapping nang ito ay manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya kahapon sa Mlang, North Cotabato.

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Palo Sisneros ng Sitio Saranay, Brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato na may kasong carnapping.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang puntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek para ito ay arestuhin.

Subalit nang makita ng suspek ang paparating na mga pulis ay kanya umano itong pinaputukan na suwerteng walang tinamaan. Kaya’t gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek.

 

ANG BATAY BRGY KAYA MAKILALA MLANG NORTH COTABATO PALO SISNEROS SAN VICENTE SITIO SARANAY SUBALIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with