Mag-asawa tepok sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masaya sanang bakasyon ng isang mag-asawa sa Koronadal City matapos maaksidente ang  sinak­yan nilang motorsiklo patungo doon kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Hindi na umabot ng buhay ang mga biktima na sina Marbon Fronda at misis nitong si Maricel, 3 buwang buntis, kapwa 25-anyos.

Batay sa ulat, sakay ang mag-asawa ng motorsiklo mula Arakan, North Cotabato na minamaneho ng mister at magbabakasyon sana sa kanilang mga kaanak sa Bo.5, Koronadal City.

Pagdating sa bahagi ng Purok Accacia New Iloilo ay aksidenteng nabangga ng mga ito ang sinusundan na Isuzu Bighorn vehicle.

Sa lakas ng pagkasalapok ay agad namatay si Marbon habang si Maricel ay binawian rin ng buhay habang ginagamot sa isang ospital.

Show comments