11-anyos nene dedo sa sunog

MANILA, Philippines – Patay ang 11-anyos na nene matapos itong ma-suffocate sa loob ng kanilang bahay na nasunog sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Maria Jasmin Domingo ng #1042 New Antipolo Street sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong alas-12 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Domingo at naapula lamang dakong alas-12:40  ng hapon dahil sa pakikipagtulungan ng mga kapitbahay na mapigil ang apoy at pagdating na rin ng mga bumbero.

Walang nadamay na ibang kabahayan subalit bigo na makalabas ng bahay ang biktima na natagpuang patay matapos ang clearing operation.

Samantala, isang sunog din ang sumiklab sa Juan Luna Street sa Tondo, Maynila dakong ala-1:32 ng hapon kung saan tinupok ng apoy ang bodega na nasa  ikaapat na palapag  KP Tower sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue sa Binondo, Maynila.

Umabot  sa ikalimang alarma ang sunog kung saan idineklarang fireout dakong alas-3:30 ng hapon.

Show comments