Pinal na listahan ng mga kandidato ilalabas sa Enero 8

Doris Franche-Borja (Pang-masa) - December 16, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa Enero 8, 2016 ay inaasahang ilalabas ng  Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2016 elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, na kanila pang kinukumpleto ang opis­yal na listahan ng mga kandidato at isasama pa rin sa balota ang mga kandidato na ang kandidatura ay kinansela, pero nakabinbin pa ang apela o wala pang pinal na pasya.

Hindi na papayagan sa Enero 8 ang editing sa election management system  ng  mga listahan ng mga kandidato.

Balak ng  Comelec na sa Disyembre 23 mailabas ang opisyal na listahan ng mga opisyal na  kandidato sa dara­ting na halalan, subalit ipapasok na umano ang initial list sa election management system.

Sa ikatlo o ikaapat linggo naman ng Enero sisimulan ang pag-iimprenta ng mga balota para sa halalan 2016.

ACIRC ANG BALAK COMELEC COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA DISYEMBRE ENERO MGA NBSP SA ENERO SINABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with