DILG Regional Director niratrat

DILG–CALABARZON regional director Renato Brion DILG IV-A Calabarzon

MANILA, Philippines - Malubhang nasu­gatan ang isang Regional Director ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Region IV-A (Southern Tagalog Region) nang ito ay  tambangan ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna kahapon ng  umaga.

Ang biktima ay kinila­lang si DILG Region IV-A Director Renato Brion, residente ng Unit 705 Tower 3,  Avida Tower, New Manila, Quezon City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-7:30 ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Parian ay kararating lamang sa lugar ni Brion lulan ng Toyota Innova (SLC-963) na minamaneho ng driver nitong si Medel Saturno kasama ang kaniyang misis para pumasok sa kaniyang opisina  sa gusali ng Andison Building 1 nang biglang sumulpot ang gunman at  agad na pinagbabaril.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento sa PNP ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso upang  matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaril kay Brion.

Show comments