6 todas sa salpukan ng van at dump truck

MANILA, Philippines – Nasawi ang anim katao habang dalawa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang van at isang dump truck kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Naparaan, Salcedo, Eastern Samar.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rhodora Garcia, ng Barangay Maslog, Lawaan; Gilberto Labicane; Julita Labicane; Jasmine Labicane na pawang residente sa Guiuan, Eastern Samar at driver ng PUV na si alyas  Peter; at Juanito Tienes.

Nasugatan naman  sina  Edgar Gagap, ng Lawaan Eastern Samar, at Freshly Tienes, ng Calibaan, Tacloban City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-12:05 ng tanghali sa kahabaan ng Mahar­lika Highway Sitio Elawod ng nasabing barangay ay kapwa magkasalungat na binabaybay ng Toyota Hi-Ace passenger utility van (HVN-942) na may sakay na pitong pasahero at Daewoo dump truck (NPI-412) na pag-aari ng Hanjin Heavy Industry and Construction Company na minamaneho ng isang Felix Piang nang biglang gumawi ang huli sa linya ng una na nagresulta nang banggaan.

Pinasibat ng driver ang kanyang dump truck para tumakas at inabandona sa may Quinapundan, Eastern Samar.

 

Show comments