Pulis dedbol sa bundol ng motor

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na pulis matapos na ito ay mabundol ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng National Highway, Brgy. San Francisco, Malilipot, Albay.

Ang nasawi dahil sa mga pinsala sa katawan ay kinilalang si SPO2 Ro­bert Berdin, may asawa at miyembro ng Malilipot Municipal Police Station at residente ng Brgy. Gubat-Iraya, Bacacay, Albay.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Arnel Carmona, 27, may-asawa at residente ng Purok 2, Brgy. San Juan, Tabaco City at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments