Duwelo ng magkaribal: 1 patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang ito ay barilin ng shotgun matapos sugurin ng taga ang kanyang karibal sa pag-ibig na naganap kamakalawa sa Brgy. Darosalam Ninoy Aquino, Kalilangan, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si Tony Capillo, 40 nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na kinilalang si Repoldo Capillo na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-6:50 ng umaga ay galit na sumugod ang biktima sa bakuran ng suspek na armado ng itak at tinaga ito, subalit sumablay.

Kaya nakapasok ito ng kanyang bahay at kinuha ang kaniyang shotgun at pinagbabaril ang biktima na ikinasawi nito.

 Narekober ng mga operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng shotgun, itak at pana sa crime scene.

Show comments