Pedestrian nasalpok ng trak

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaking tumatawid matapos itong masagasaan ng isang trak kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima ay nakilala lamang sa alias Georgie, tinata­yang nasa 30 hanggang 35-anyos, payat ang pa­ngangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at maong pants, nagtamo ito ng ma­tinding pinsala sa katawan.

Ang suspek ay kinilalang si Roel Impil Gumanad, 25 ng Batasan Hills, Quezon City na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay tumatawid ang biktima sa panulukan ng President Sergio Osmeña Sr. Highway at A. Arnaiz Avenue, Barangay Pio Del Pilar ng naturang lungsod nang ito ay masalpok ng trak na minamaneho ni Gumanad nang biglang tumawid ang biktima at hindi agad ito nakapagpreno.

 

Show comments