Pulubi itinumba habang nangangalakal ng basura

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang pulubi na kilala sa alyas na Michael, matapos itong barilin sa ulo habang nangangalakal ng pagkain sa basura kamakalawa sa Gate 7, Agora Market, Sta Lucia District, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng Pagadian City Police, naitala ang krimen dakong alas-4:20 ng madaling araw sa nasabing palengke nang ang biktima ay pagtripang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang naghahanap ng makakain sa basurahan.

Mabilis tumakas ang suspek na hindi naman namukhaan ng mga vendor sa palengke dahilan sa madilim pa ang paligid.

Show comments