Comelec na ang bahala kay Duterte - Malacañang

Itinaas ni presidential aspirant Davao City Mayor Rody Duterte ang kamay ni senatorial bet Atty. Levi Baligod nang bumisita ito kamakailan sa lungsod. Sinabi ni Baligod na siya ay isasama sa senatorial slot sa tiket ni Duterte.

MANILA, Philippines – Ang Commission on Elections (Comelec) na bahalang magdesisyon ukol sa isyu ng substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidential candidate ng PDP-Laban.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ukol sa isyu ng pagiging substitute candidate ni Mayor Duterte kay Martin Diño na umatras na kandidato ng PDP-Laban.

Magugunita na nagpahayag kamakailan si Duterte ng kahandaan na lumabang pangulo sa 2016 elections dahil sa naging desisyon ng Se­nate Electoral Tribunal (SET) sa petisyon laban kay Sen. Grace Poe na kinuwestyon ang pagiging natural-born Filipino citizen nito.

Show comments