Mister tinodas ang kausap ng misis

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng isang mister ang isang vendor ng mosquito killer nang maaktuhang kausap nito ang kaniyang misis sa kanilang bahay sa Cabadbaran City, Agusan del Norte  kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din ang biktima na si Jonie Mahinay, 23, residente ng Brgy. 3  ng naturang lungsod dahil sa mga tinamong tama ng bala  ng cal. 45 pistol sa katawan.

Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si Annas Sarip, 56 at kinasuhan na ng kriminal.

Sa ulat, bago naitala ang krimen, dakong alas-6:30 ng gabi   sa salas ng bahay ng pamilya ng suspek sa Purok 5, Brgy. 12 ay nagtungo si Mahinay sa bahay ni Meme Sarip, misis ng suspek upang ibigay rito ang kaparte sa kinita sa pagtitinda ng Bao’ma mosquito killer na negosyo ng dalawa.

Dito ay naabutan ng supek na nag-uusap sa salas ang biktima at sa matinding selos at hinala na kalaguyo ang kaniyang misis ay agad na binunot ang dalang baril saka pinagbabaril nang sunud-sunod ang biktima na duguang bumulagta at namatay.

 

Show comments