Kolehiyala pisak sa killer bus
Cristina Timbang (Pang-masa) - November 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Bulagta ang 18-anyos na kolehiyala matapos itong masagasaan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu II D, Imus City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chrislyn Leyva, dalaga, college student at residente ng #240 Mallari Subdivision sa Barangay Malagasang 1st sa nasabing  lungsod.

Tumakas naman ang driver ng bus subalit naaresto rin na si Dennis Castro Pelayo, 34, may asawa at residente ng Sitio Bugaan sa Barangay 3, bayan ng Alfonso, Cavite. 

Sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, bandang alas-3:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang tumatawid ang biktima nang salpukin ng bus matapos na mag-overtake  sa sinusundang jeepney.

Sa halip na tumigil ay humarurot patakas ang nasabing bus kaya agad itong hinabol at nasakote ng pulisya.

 

AGUINALDO HIGHWAY ANG BARANGAY ANABU BARANGAY MALAGASANG CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE CHRISLYN LEYVA DENNIS CASTRO PELAYO IMUS CITY MALLARI SUBDIVISION SITIO BUGAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with