Bagyo papasok sa PAR ngayong gabi
Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo ng gabi ay papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang bagyo na may international name na “In-Fa” kapag hindi nagbago ang direksyon nito.

Ayon kay Ben Oris, weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) namataan ang bagyo sa layong 1,810 kilometro ng silangan ng Samar dakong alas-10:00 ng umaga kahapon na may lakas na hanging 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 210 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang natu­rang bagyo sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras at kapag nakapasok na sa PAR ang naturang bagyo ay tatawagin itong Marilyn. Inaasahan bukas ng umaga ang naturang bagyo ay nasa layong 1,395 kilometro ng silangan ng Catanduanes.

 

ACIRC ANG AYON BEN ORIS CATANDUANES IN-FA INAASAHAN KUMIKILOS NGAYONG LINGGO PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION SAMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with