Mister na maniningil ng pautang ni misis, inambus

MANILA, Philippines – Isang mister na isang Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi lamang sa bansa para magpasko sa piling ng kaniyang pamilya ang nasawi makaraang tambangan ng motorcycle riding in tandem sa Brgy. Road, Brgy. Balite Sur, San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Romeo Paningbatan, 57, residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi ay nagtungo sa lugar ang  biktima lulan ng service tricycle nitong Honda TMX 155  upang makipagkita sa isang Tirso delos Reyes, nasa hustong gulang na umano’y may utang na P 5,000 sa kaniyang misis na nagpapautang ng pera.

Sinundan ito ng mga suspek at nang maabutan ay pinagbabaril.

Show comments