Nene ni-rape ng trike driver

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 65-an­yos na trike driver matapos nitong gahasain ang 14-anyos na nene sa bahagi  ng Lambingan  Bridge sa Barangay Catmon, Malabon City kahapon.

Nakatakdang kasuhan habang nakakulong ang suspek na si Ricardo Mariano ng  #92 Camus St., Barangay Ibaba sa nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 My­lene Pabon ng Women’s and Children Protection Desk, bandang alas-2 ng madaling araw nang maganap ang panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang Arlyn.

Sa pahayag ng biktima, isinama siya ng suspek upang kumain ng lugaw subalit pagda­ting sa nasabing lugar ay sapilitan siyang hinatak patungo sa madilim na bahagi sa ilalim ng tulay saka isinagawa ang maitim na balak.

Nagawa pang ihatid ng suspek ang dalagita malapit sa kanilang bahay kung saan nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang.

Show comments