Bagong lover ni misis, sinaksak ng mister

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na lalaki ang nasugatan nang siya ay pasukin sa loob ng kanyang bahay at saksakin ng isang lalaki na da­ting mister ng kinakasama nito kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na ginagamot sa Tondo Memorial Medical Center dahil sa tinamong saksak sa tiyan ay kinilalang si Vermon Mornolla, ng  no. 2770 J. Santos St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Tumakas ang suspek na si Edwin Santiago, 35, residente rin ng lugar at mister ng kinakasama ng biktma na si Chrismee Santiago.

Batay sa ulat, dakong alas-12:40 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima katabi si Chrismee nang puwersahang pasukin ng suspek ang kanilang kuwarto at inundayan ng saksak sa tiyan.

Nabatid na isang buwan pa lamang nagsasama ang biktima at misis ng suspek matapos na naghiwalay ang mga ito may ilang buwan na ang nakalipas.

Show comments