Wanted sa murder, timbog
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - September 26, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaki na may kasong murder sa Malabon City matapos ang mahigit isang taon na pagtatago sa batas matapos itong masakote ng mga pulis sa isang follow-up operation sa Caloocan City.

Kinilala ang nadakip na akusado  na si R-Jay Aparri Cordero “alyas Nognog” ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang madakip si Cordero sa kahabaan ng 11th Avenue, Grace Park, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni  Judge  Celso Magsino Jr., ng Malabon City Regional Trial Court  (RTC),  Branch 74.

Base  record ng korte, nabatid, na noong July 21, 2014,  alas-10:30 ng umaga nang barilin ng akusado  ang biktimang si Noel Durante, 18,  ng Block 9-C, Lot 30, sa kahabaan ng Hiwas St., Barangay Longos, Malabon City.

BARANGAY LONGOS BATAY CALOOCAN CITY CELSO MAGSINO JR. GRACE PARK HIWAS ST. MALABON CITY MALABON CITY REGIONAL TRIAL COURT NBSP NOEL DURANTE R-JAY APARRI CORDERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with