10 tiklo sa drug bust

MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng sampung drug pusher matapos masakote sa isinagawang drug bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group, PDEA-Region 3, at pulisya sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga noong Huwebes.

Sa police report na nakarating sa Camp Julian Olivas, kinilala ang mga suspek na sina Espher “Mudra” Tanglao, 53; Aries Tanglao, 30; Analyn Tanglao, 26; Fe Dantes, 35; Rosanna “Susan” Basilio, 39; Ernesto Ronquillo, 50; Vincent Paul Manas, 26; Jake Sison, 38; Peterson Feliciano, 29; at si David Hernan Hipolito, 30.

Ang pagsalakay ay base sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Omar T. Viola ng Angeles City Regional Trial Court Branch 57 sinalakay ang isang bahay na ginagawang drug den ng mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 15-gramo ng shabu at  mga drug pharapernalia.

Show comments