6 holdaper arestado
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - September 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Kalaboso ang anim na holdaper matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa holdapang naganap kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Norman Digaas, 25; Melvin Japitana, 35; Mark Christopher De Mesa, 20; Sherwin Tabirara, 38; Pamesa Carreon, 31; at Abatayo Kelvin, 24, mga nakatira sa Ilaya Street, Barangay Alabang sa nasabing lungsod.

Samantala, kinilala naman ang biktima na si John Michael De Castro, 36, ng nabanggit na barangay.

Sa report na isinumite kay P/Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City PNP, naganap ang krimen habang naglalakad ang biktima sa footbridge ay biglang sumulpot sa harapan nito si Carreon at nag-alok ng panandaliang aliw.

Nang magkasundo sa presyo ay pumayag ang biktima kaya dinala ni Carreon sa naturang lugar subalit biglang sumulpot ang lima pang suspek na kasabwat ng babae.

Dito na hinoldap ang biktima kung saan nilimas ang pera, cellphone at personal na gamit ng biktima.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya kung saan nasakote naman ang mga suspek sa isinagawang operasyon.

ABATAYO KELVIN ALLAN NOBLEZA ANG BARANGAY ALABANG CARREON ILAYA STREET JOHN MICHAEL DE CASTRO MARK CHRISTOPHER DE MESA MELVIN JAPITANA MUNTINLUPA CITY NORMAN DIGAAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with