_pang-masa
^

CAB clone ng MOA-AD, ibasura - Alunan

(Pang-masa) - August 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hiniling ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III sa Supreme Court (SC) na kaagad ibasura ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) na minadali ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para maipasa sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Anya, dapat nang i-scrap ng mga mahistrado ang CAB dahil ito umano ay clone lamang ng MOA-AD (Memorandum of Agreement on Ancestral Domain) na unang ibinasura noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Patago at fast break ito noon at gayundin ngayon dahil may hidden agenda ang dalawang panig na lumagda sa CAB- ang pagkalas ng Mindanao sa Pilipinas,” wika ni Alunan.

Nilinaw ni Alunan kapag ibinasura ng SC ang CAB, otomatikong magiging null and void ang lahat ng sub-agreements na nakapaloob dito kabilang ang BBL.

“May kahulugan ang CAB-BBL na pagkalas sa hinaharap ng Mindanao sa Pilipinas. Sa pananaw ng mga nagtutulak dito, ang BangsaMoro ay hiwalay na bansa na may hiwalay na gobyerno. Ang katagang ‘Basic Law’ ay understood sa buong mundo na Kons­titusyon,” giit ni Alunan.

ACIRC ALUNAN ANCESTRAL DOMAIN ANG BANGSAMORO BASIC LAW BASIC LAW COMPREHENSIVE AGREEMENT DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY RAFAEL ALUNAN MEMORANDUM OF AGREEMENT MINDANAO MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with