80–anyos lola ni-rape slay ng akyat-bahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Duguan at pinaghihinalaang hinalay muna ng mga lango sa drogang akyat-bahay ang isang 80-anyos na lola na natagpuang hubad at naliligo sa sariling dugo sa kanyang kama sa Barangay Pattao, bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. ?

Ayon kay PO2 Darwin Ponce, tadtad ng saksak sa mukha at katawan ang biyudang si Francisca Pedro kung saan walang damit pang itaas nang madiskubre sa kanyang kuwarto dakong alas-7 ng umaga.?

Nabatid na nag-iisa lamang sa bahay ang matanda nang pasukin ng mga adik na akyat-bahay.

Ayon pa sa police report, nawawala ang bag na naglalaman ng kanyang ATM card at iba pang privilege card na pinaniniwalaang tina­ngay ng mga kawatan na lumabas sa pintuan sa kusina.?

Patuloy pa rin na sinisiyasat ng pulisya ang brutal pagpaslang sa matanda.

Show comments