6 tulak nasakote

MANILA, Philippines – Natiklo ng Northern Police District (NPD) ang  anim na pinaniniwalaang tulak ng droga sa mga lungsod ng Valenzuela at Navotas.

Kinilala  ng Valenzuela City Police ang mga nadakip nila na sina Gilbert Angelo Cleofe, 29; Abegail Edonio, 26, kapwa residente ng San Juan Street, Isla, Valenzuela; Pecto Aniano, 54, pedicab driver; at Eduardo Nicomedes, 37, kapwa ng Cabuyao St., Bilog, Balangkas, ng naturang lungsod.

Nabatid na dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang ikasa ang operasyon sa Kabasang Imo, Bilog, Brgy. Ba­langkas nang makatanggap ng tip na talamak ang bentahan ng droga dito, dakong alas-5:30 ng hapon naman nang madakip sina Cleofe at Edonio nang maaktuhan sa pagbebenta ng droga sa berepikasyon ng pulisya sa Isla, Valenzuela.

Sa ulat naman ng Navotas City Police, kinilala ang naaresto nila na sina Marigold Gilbuena, 28, at Arnel Martea, 21, binata, kapwa ng Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod na nakuhanan ng walong pakete ng hinihinalang shabu.

Show comments