16 preso pumuga sa QCPD jail

MANILA, Philippines – Tumakas ang 16 preso sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7 makaraang lagariin ang rehas na bakal na nakakabit sa kisame ng selda dito kahapon ng mada­ling araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang pagpuga alas-2:00 ng madaling-araw makaraang sinamantala  ang pagkakataon na nagbanyo ang officer.

Gumawa ng ingay ang mga preso habang nilalagare ang rehas hanggang sa tuluyan na silang makatakas.

Pagkabalik ng desk officer ay nagtaka  ito nang makita na kakaunti ang preso at baklas na ang rehas na bakal.

Sinasabing may kabuuang 53 preso ang nakapiit sa Cubao Police detention cell.

Show comments