Bong bigo muling makapagpiyansa

MANILA, Philippines – Bigo muli si suspended Senador Bong Revilla na makapagpiyansa sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam nang ibasura ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration nito dahil sa kawalan ng merito.

Magugunita na una nang inisnab ng graft court ang motion to bail sa naturang mga kaso ng senador dahil sa umanoy  kawalan ng sapat na basehan para mapayagan itong makapagpiyansa.

“Syempre malungkot ‘yun. Pero naniniwala pa rin ako na mayroong hustisya sa ating bansa, in God’s time” pahayag ni Revilla.

Ayon pa sa senador na okey lang kahit na malamig ang kanyang pasko dahil handa naman anya siyang magsakripisyo.

Show comments