Binata dedo sa ‘trio’

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 21-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng ‘riding in trio’ na binubuo ng dalawang lalaki at isang babae habang nasugatan ang isang 72-anyos na lola na tinamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Mark Joseph Cruz, binata, walang trabaho, ng no. 559 Teodora Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.

Nasugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala ang lola na si Alejandra Dungo, may- asawa, ng no. 1351 Qui­ricada St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi ay bumibili ng sigarilyo ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ito ng bala bago tumakas sa direksiyon ng Jose Abad Santos Avenue.

Bumulagta ang biktima habang duguan naman ang lola nang tamaan ng bala sa binti.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril sa biktima.

Show comments