Pasahero ng barko tumalon sa dagat
Joy Cantos (Pang-masa) - November 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagpakamatay ang isang 20-anyos na pasahero ng barko sa pamamagitan ng pagtalon sa karagatan na sakop ng bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Aljun Padera, taga bayan ng Palanas ng lalawigang ito.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente bandang alas-11:41 ng umaga sa karagatan ng Sitio Bagabawug, Brgy. Magdalena ng bayang ito ay pasahero ang biktima ng Elavil Bus Corporation na sakay ng MV King Frede­rick (roro vessel).

Bigla na lamang  na­bulabog ang mga pasahero at tripulante sa biglaang pagtalon ng biktima sa dagat.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga tripulante at narekober matapos ang ilang oras ang biktima na isa ng bangkay.

Ang biktima ay pang-13 sa mga pasaherong tumatalon sa barko bunga ng hindi makayanang problema.

 

ALJUN PADERA BALENO BATAY BIGLA BRGY ELAVIL BUS CORPORATION KING FREDE MAGDALENA SITIO BAGABAWUG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with