Dalagita ginahasa ng ka-eyeball

MANILA, Philippines - Nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita nang ito ay halayin ng kanyang ka-textmate matapos na sila ay mag-eyeball kamakalawa ng gabi sa Brgy. Maasin, Zamboanga City.

Kasama ng biktima na itinago sa pangalang Sunshine ang ina nito na isang 33-anyos na magsampa ng reklamo laban sa suspek na kinilalang si Alvin Manolo, 23, residente ng Brgy. Malagutay na hindi na nakapalag matapos dakpin ng mga otoridad.

Ayon sa biktima na naging ka-textmate niya ang suspek nang ilang araw hanggang sa  magkasundong magkita sa bahay ng kapatid nito dakong alas-9:00 ng umaga noong Nobyembre 4.

Sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi matapos na magkita ay nagpahatid ang dalagita sa suspek na uuwi na siya dahil tumakas lamang siya sa kanilang bahay, pero sa halip na ihatid ay dinala sa bahay ng kaibigan nitong tinukoy lamang sa pa­ngalang Ron-ron sa Brgy. Maasin ng lungsod para doon muna sila matulog para magpalipas ng gabi at kinabukasan na ng umaga  ihahatid.

Subalit, habang siya ay natutulog ay ginapang siya ng suspek at puwersahan hinubaran at ginahasa.

Pagkatapos ay pinauwi na ng suspek ang biktima  na nagsumbong sa kaniyang ina na nagsuplong naman sa barangay at inaresto ang suspek.

 

Show comments