^

Police Metro

Ginang may utang na P40K, nagpakamatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa problemado kung paano mababayaran ang mga utang na uma­abot sa P40,000 ay nagawa ng isang ginang na takasan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng lason naganap kamakalawa sa Pasay City.

Ang biktima na natagpuang patay sa loob ng inu­upahang silid sa Libertad St., Brgy. 69 ay kinilalang si Revelin Mendoza, 25.

Sa salaysay sa pulisya ng landlady na si Chona Montecalvo, dakong alas-7:30 ng gabi ay kumatok siya sa pinto ng silid ng biktima upang isoli ang hiniram nitong cellphone.

Subalit, hindi sumasagot ang biktima kung kaya’t pumasok siya dito dahil hindi naman nakakandado ang pinto.

Ganun na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita ang biktima na nakabulagta at bumubula ang bibig.

Agad nitong ipinagbigay alam sa mga otoridad ang insidente at nang siya­satin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar na pinangyarihan ng insidente, nakita dito ang isang bote ng silver cleaning solution na walang laman.

Sa nakalap namang impormasyon ng mga imbestigador sa live-in partner ng biktima na si Melchor Torrero, nabatid na may utang ang ginang ng halagang P40,000.00 sa ibat ibang tao na posibleng pinoproblema nito.

BRGY

CHONA MONTECALVO

DAHIL

GANUN

LIBERTAD ST.

MELCHOR TORRERO

PASAY CITY

REVELIN MENDOZA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with