Ambush: MILF Commander, kagawad utas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kasama nitong barangay kagawad sa isang ambush kamakalawa sa Brgy. Romualdez, President Quirino, Sultan Kudarat.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Manubakan Abdul alyas Commander Garrison ng MILF 108th Base Command at Brgy. Kagawad Abdulkarim Maslamama Dimapalao; kapwa residente ng Brgy. Midkunding, Sultan Kudarat at Pendatum, Ma­guindanao.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima at binabagtas ang highway ng Brgy. Romualdez  nang sila ay pagbabarilin.

 

Show comments