Biker minarder sa subdivision

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na lalaki ang hindi na uma­bot ng  buhay sa ospital matapos na pagbabarilin habang nagbibisekleta sa loob ng kanilang subdivision sa Caloocan City kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Jonjon Matias, ng Block 98, Lot 16, Northville 2B, Brgy. 171, Bagumbong, ng naturang lungsod. 

Nadakip ng pulisya sa isang follow-up ope­ration ang suspek na si Romeo Recto, alyas “Dodoy”.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng tanghali sa main road ng Northville 2B Subdivision ay nagbibisikleta ang biktima nang biglang harangin ng suspek at pinagbabaril.

Nang masigurong patay na ang biktima ay  tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Isang saksi ang lumutang sa pulisya at positibong itinuro ang suspek na kinasuhan ng murder.

Show comments