Traffic enforcer na hit and run

MANILA, Philippines – Kritikal ang lagay ng isang traffic enforcer ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang ito ay ma-hit and run ng isang taxi driver kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang  si Traffic Constable Jose Dayrit, miyembro ng “Takip Silim unit” ng MMDA.

Sa ulat ni MMDA Asst. General Manager Emerson Carlos, nagmamando ng trapiko si Dayrit nang  bundulin umano ng taxi driver sa may EDSA-Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Hindi naman malinaw kung hinuhuli ng biktima ang naturang taxi driver sa isang paglabag sa batas trapiko.

Iniwan naman ng driver ang taxi nito na dinala sa “impounding area” sa Orense, Makati City. 
Hindi muna pinangalanan ang kumpanya ng taksi na nakilala na ang operator at nakatakdang sampahan ng kaso.

Show comments