Mag-asawa pinatay ng manliligaw ni misis

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak ang isang mag-asawa ng isang lalaki na umano ay nanliligaw sa ginang dahil sa selos na naganap kamakalawa sa Brgy. La Paz, Zamboanga City.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Maritess, 54, at  mister nitong si Expedito Timosan.Ang mag-asawa ay kapwa nagtamo ng malalalim na saksak sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang pasukin ng suspek na si Noel Rojas, may-asawa ang bahay ng mga biktima sa Brgy. La Paz.

Nagulat ang mag-asawa nang sila ay pagsasaksakin ng suspek.

Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na love triangle ang motibo ng krimen.

Show comments