350 bar examinees umatras

MANILA, Philippines - Umaabot sa may  350 law graduates ang umatras sa Bar examinations.

Ito naman ang  inilabas na pahayag ng Office of the Bar Confidante kahapon kung saan nakasaad na sa 6,344 pasok sa  bar exams, 348  ang hindi  dumating sa unang  linggo ng exams sa University of Santo Tomas.

Lumilitaw na  pinasukan ng 5,996 ang morning session ng “Political and Public International Law” su­balit pagdating ng  afternoon session na “Labor and Social Legislation” dalawang  exa­minees ang hindi na pumasok kung kaya’t naging  5,994 na lang ang  examinees.

Ayon sa OBC mas mahirap pang  pagsusulit ang  pagdadaanan ng 5,994 kung saan inaasahang mas mahihirap na ang exams.

 Pinapayuhan ng  SC ang mga exa­minees na dumating ng maaga sa UST upang maiwasan ang anumang aberya.

Show comments