_pang-masa
^

Police Metro

Buntis sinaksak ng selosong lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang ginang na anim na buwang buntis ang nasa kritikal na kondisyon matapos na ataduhin nang saksak ng live-in partner habang sila ay nagtatalo kamakalawa ng gabi sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktimang si Jonalyn Mantos, na nilalapatan ng lunas sa ospital sanhi ng tinamong walong tama ng saksak ng gunting sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nadakip ang suspek na si alyas Bong sa isang follow-up operations.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-live-in nang sitahin ng suspek ang biktima na may nanliligaw dito.

Nairita ang biktima dahil paano anya siya liligawan ay buntis na siya.

Nagtalo ang dalawa  hanggang sa kumuha ng gunting ang suspek at pinagsasaksak ang biktima ng  walong beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sa kabutihang palad ay hindi nadamay ang sanggol na nasa sinapupunan nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong kriminal na nakakulong na ngayon.

BATAY EL SALVADOR CITY ISANG JONALYN MANTOS KINILALA MISAMIS ORIENTAL NAGTALO NAHAHARAP NAIRITA SUSPEK
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with